Love · Uncategorized

11:00 AM 8/23/2014
Napanaginipan ko na naman siya. Magtatapat na sana ako ng nadarama ko. Na ayaw ko na. Na tapos na kami. Sasabihin ko na sakanya ng personal eh. Naghahanap ako ng timing. Kaso nakuha kong umiyak na lang daw.

Magkaklase daw kami. Magkasama kami parati sa paaralan – isang paaralang ‘haunted’ pala. Haha. Ewan ang labo. Basta lahat kaming mga nag aaral dun, nagpagabi at nasa isang hallway. May mga multo daw na magpapakita pag ganoong bandang oras. Haha labo talaga.

Tapos, di ko na matandaan nangyari. Nabalitaan niya na lang at sinabi niya sa akin nung nasa cafeteria na kami na patay na daw nanay niya. Naiyak na ako nun kasi di ko kayang masabi na tigilan niya na ako kasi mas sobrang bibigat pa sa loob niya pag ginawa ko nun. Nawalan na siya ng inay, tapos mawawalan pa siya ng ‘kaibigan’. Tapos yun. Sinabihan niya akong iyakin. Siya pa yung nakangiti eh. Di naman siya nagulat kasi alam niya naman na ganito nga personalidad ko. Tapos nagising na ako.

Sa totoong buhay, wala na talaga siyang nanay. 7 years old pa lang daw siya noon nung iniwan siya. Pero ano ibig sabihin ng panaginip? -.O

Ibig sabihin ba, na di ko talaga kayang tapusin to na di niya malalaman ang dahilan kung bakit di na ako nagpaparamdam? Kung bakit di na ako nagpapakita ng interes sa relasyon namin kahit nagustuhan ko naman siya? Kung ba’t pinipigilan ko na din sarili ko? Kung ba’t isang linya na lang pag text ko sakanya kahit kay haba haba ng tinext niya sakin? Di naman sa tamad pero ayun. Di ko na alam kung kelan pa kami ulit magkikita. Pero alam niya kung kelan kaarawan ko. Nung huli kaming nagkita, nagbibigay na siya ng mga ‘hints’ na bibigay siya ng ano. Joke lang! Ayaw ko mag expect kasi masakit </3 Hahaha joke. XD

Di ko na talaga alam kung ano kami. Litong lito na ako.

Haha. Ok. Yun lang. Paalam!

xx

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s