Love · Musings · My Everydays

5:46 PM 8/21/2014
Kakauwi ko lang mga bandang 2 ng hapon. Galing akong Solaire. Libre ako ng classmate ko na si Jinky. Hotel, at pati na rin buffet. 2 nights, 2 days. Sagot ng pamilya niya. Birthday din ng nanay niya din kasi. Ang sarap ng mga pagkain! At ang sarap ng buhay dun. Nag swimming din kami. Ganda ng casino. May mga mukhang mayayaman dun at mga akala mong hindi mayayaman. Napag usapan din namin na mag CFA kami ng mga kasama ko. Yung isa sa December na magtatake. Plano naman namin ni Jinky na sa Hunyo ng susunod na taon mag eexam. Nakapagpaalam na ako kay nanay. Nung una nahihiya ako kasi nga parang isang tuition fee na yun sa isang termino dito sa college. Sinabi ko sa kanya na medyo mahal yung registration fee. Sinabi ko din na kailangan ng credit card saka passport para makapag register. Eh yung passport ko expired na nung Disyembre pa. Magpaparenew kami kasama ng ate ko sa susunod kahit di ko pa alam kung kelan. Pero maganda kapag mas maaga kasi hanggang Setyembre lang ang discount para sa registration sa CFA level 1 exam sa Hunyo. Sabi ni inay mag paalam daw ako kay tatay kasi siya yung naghahawak ng pera.

Tapos sabi niya din magpaayos na daw ako ng ngipin doon sa pinsan kong dentista. Sabi niya hanapin ko daw yung NCR sa MOA. Medyo tinatamad pa ako pero pupunta na din siguro ako pagkatapos ng lahat ng finals ko next week. Oo nga pala. Graduating na ako. Ako’y isang Octoberian. Sa Oktubre 11 na graduation. Malapit na. Buong Setyembre, wala na akong gagawin. Siguro pahinga muna ako. Naisip ko din mag apply na sa trabaho. Excited na nga ako. Gusto ko na magkasweldo eh. Haha pera kailangan ko. May mga plano pa kasi ako. Next year siguro. Kaya may goal akong dapat habulin na dapat pag dapit ng ganitong buwan, may ganitong pera na ako. Ayaw ko na masyadong umaasa kina ‘tay at ‘nay. Gusto ko maging independent na tao. Ayaw ko na masyadong umasa sa kanila. Gusto ko sarili kong sikap yung perang iipunin ko simula ngayon.

Kailangan ko ng gumawa ng project ko ngayon. Haha ako kasi lider eh yung part ko di pa din tapos. Bukas na presentation namin. Mga 6:45 ng hapon. Kinakabahan ako kasi wala masyadong makalap na impormasyon sa net ng napili naming kompanya. Kailangan ko ding humabol mamaya. Kakain kami sa labas ng mga kapatid ko pati si mama. Minsan lang bumisita dito magulang ko galing probinsya kaya kailangan andun ako. Di ko muna matatapos project ko pero pag balik ko gagawin ko ulit. Wala kaming net kaya gumagawa muna ako ng charts kasi yun yung gusto ng prof namin sa Strategic Management. Ayaw niya ng maraming ‘words‘, gusto niya pictures at dapat maipahiwatig namin to ng mabuti. Ang dami ko pa kailangang gawin. Business model, value chain, prevailing strategy. Pero tapos na ako sa analysis ng financial performance ng kompanyang napili namin. Problema na lang nga yung charts. Gawa ako ng notecards para di ako mawala bukas. Final case presentation na namin to kaya kailangang galingan. Alis siguro ako mga 6:45. 6:05 na ngayon. Hinihintay ko text ni kuya. Sabi niya kasi sabay na kami pupunta doon kasi nagpaiwan din siya. Bumaba lang ako saglit kasi kinailangan kong kunin yung files, yung powerpoint, internal analysis saka computed ratios ng rival firms. Nasa Facebook ko yung file. Nakalimutan kong ilagay sa USB nung ginagawa ko siya sa hotel nung first night namin sa hotel. Natulog na ako ng 12 am nun at nagising ng 4am para sa internal analysis kasi hinihingi na ni Jinky yung part ko kasi kailangan niya yung analysis ko para sa Alternative Course of Action, Implementation on Plan, at Recommendation. Natapos ko naman ng mga bandang 9 am. Haha natulog ako ulit dapat nga magswiswimming kami ng umagang yun kaso sobrang sabaw ko na. Tatlong araw na akong kulang sa tulog. Sakit sa ulo at halata din sa mata ko na kahit natulog na ako nun, puyat pa din.

Oo nga pala! May ‘boylalu’ na din yun! Si Jinky! Hahaha kwinento niya sa akin ng gabi ding yun. Sobrang haha kilig na kilig siya eh. Nagbblush at tumatawa parati habang nakikipag chat siya sa kanya sa FB. Yung isa ko namang kasama, si Sheila, nagulat na din lang ako nung nag open up siya tungkol sa ka-MU niya nung nagswimming kami! Haha di kami ganun ka close, pero natuwa pa din ako. Alam niya din kasi na meron ako kaya kwinento niya din. Grabe! Ang tagal na pala nila! 5 years na sila pero di niya pa sinasagot! Samantalang yun sa akin naman, minamadali niya ako masyado. Haha kinikilig ako sa kanilang dalawa eh. Ang bait ng lalaki. At nagttiyaga siyang humintay ng ganun katagal. Since high school pa sila. Magkabarkada. At kapag tuwing daw lumalabas sila ng high school barkada nila, akala ng mga kabarkada, sila na daw eh. Ang kyut talaga! Haha tinanong niya ako ano daw pangalan nung lalaki ko.Sinabi ko. Parang galit siya eh. Tinanong niya din yung apelyido. Haha yun pala kasi magkapangalan yung lalaki ko saka yung ex niya. Haha ang kyut. Nagbigay din siyang mga payo sakin kasi nga if ever yung lalaki ko yung magiging first ko. Eh wala pa akong alam masyado at wala pa talaga akong standard o mga ano ano. Pero haha sabi niya daw, ayon sa kwento ko, ayaw niya daw sa lalaki. Sabi ko gusto nga siyang makilala ng isa kong kaibigan. Sabi ni Sheila gusto niya din haha pero nahiya ako. Medyo di na nga kami masyado nag ttext eh. Di na din ako masyado nagpaparamdam. Tapos kunwari parati akong busy at may ginagawa kapag nagyayaya siya. Simula nung kwinento ko sa mga kaibigan ko, kay nanay, kay tatay, mga kapatid ko, parang lahat sila isa lang sinasabi. Wag daw muna ako masyadong maniwala. Dapat dahan dahan lang daw. Kaya ayan. Pero ayun. Iniisip ko pa din siya haha (cheesy). At dalawang beses ko na din siya napanaginipan simula nung nag-cool off kami. Ewan ko ba kung totoo pa ba itong nararamdaman ko sakanya. Parang oo na yata eh. Pero yun nga, dina dahan dahan ko lang muna. Ewan. Ang gulo kasi eh. Basta ayun. Gusto niya kasi agad-agad. Eh yung isang nga diyan, 5 years naghintay. Sinabi ko din sakanya na magkaibigan muna. Sabi niya maghihintay din daw siya hanggang payagan ako ng magulang ko, liligawan niya na daw ako. Ewan ko talaga. Hahaha. Ayaw ko ng pag usapan.

Gio pala pangalan niya. Hehehhehe. Napakilala niya na ako sa pamilya niya kaya medyo nakakapressure din bilang babae. At matagal niya din akong nakwento sa tatay niya. Huhuhu xD Alam na din ni tita yung tungkol samin. Nabanggit niya bigla nung kumakain kami ng hapunan. Lang hiyang Jinkyng yun! Hahaha patayin ko siya eh huhuhu xD Ayaw ko na talaggaaa.

xx

Advertisements

5 thoughts on “

    1. haha whatever kahit ano lang! oy online ka pala!!

      wala akong pakialam kung may magbasa pa naman or hindi haha own will ko naman yung pag post ko nito kaya ohwell. bahala na kung sino bumasa hahaha

      wag ka lang magcomment ng ano :))))))))) jkjkjjk or mang asar please :)) jkjkjk

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s